FRONTLINE SERVICES

Transparency Seal

RED's Corner

REDs Corner R8

Profile

citizens charter web

foi logo

Youth Corner

Ang Ating Kalikasan

envitl events3 web

Pinuri ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy A. Cimatu ang Bureau of Customs (BOC) sa matagumpay na pagkaka-kumpiska sa mahigit
700 piraso ng makamandag at buhay na tarantula sa Ninoy Aquino International Airport, kamakailan.

“The BOC agents and personnel who discovered the shipment should give themselves a pat on the back for stopping the illegal trade of these wildlife species,” sabi ni Cimatu.
Ang mga nakumpiskang tarantula na aabot sa halagang P310,000 ay nakitang nakalagay sa loob ng gift-wrapped boxes ng oatmeal, cookies at tea na nanggaling mula sa
bansang Poland. Naaresto rin ang dalawang katao kabilang na ang consignee ng shipment.

Ayon kay Cimatu ang pagkaka-kumpiska sa 757 piraso ng tarantula at pagkakaresto sa dalawang suspek ay isang tagumpay para sa laban sa illegal wildlife trade.
Nangako pa ito na hindi titigil ang mga awtoridad hanggang maubos ang mga “poachers at wildlife traffickers”.

“We will never get tired of rescuing wildlife and put their tormentors before the bar of justice so as to teach people a lesson that wildlife species are not commodities for trade,”
dagdag pa ni Cimatu.

Ang dalawang suspek at ang tarantula shipment ay dinala na sa Philippine Operations Group on Ivory and Illegal Wildlife Trade o mas kilala sa tawag na Task Force POGI na
binubuo ng wildlife enforcers mula sa iba’t-ibang ahensiya kasama na rito ang Biodiversity Management Bureau (BMB) ng DENR, National Bureau of Investigation at Philippine
National Police.

Ayon kay BMB Senior Ecosystems Management Specialist Rogelio Demellentes, Jr., ang dalawang suspek na kumuha ng padala sa NAIA’s Central Mail Exchange Center ay
sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources and Protection Act.

Base sa nakasaad sa batas, ang sinumang mahuhuling nagbebenta, may dala at agbabiyahe ng wildlife species ay maaaring maparusahan ng pagkakulong ng hanggang
dalawang taon at pagmumultahin ng P200,000.

Sinabi pa ni Demellentes, nakikipag-ugnayan na ang task force sa Polish government sa posibilidad na pagsasauli ng tarantula shipment.

Sa kasalukuyan, ilalagay sa quarantine area at oobserbahan ang mga tarantula at mananatili sa pangangalaga ng BMB habang wala pang resolusyon sa kaso. ###

Press Release

Photos

Feature

    • VALUING TRASH THROUGH UPCYCLING

      The heaps of trash that’s long been resting in the corners of her home awakened her creativity - the ingenuity of a woman, and the quick-witted nature of a mom. Tired of seeing all the trash, Ms. Dianne Asanza, a mother and a home maker thought of reviving the value of unused materials perceived by her household as trash. “I got worried seeing all the plastics. Where shall these materials go? How will these be disposed by the garbage collectors?” Ms. Dianne anxiously asked herself. “I want to...

      Read More

rhotlineDENR Hotline as of Sept2019 aksyon kalikasan mail to DENR

Quick Links

geoportal front webgeo hazard maps2 webAQMS MM webenvironmentor2 web

Featured Video