Isinumite ng mga katutubo ang kanilang project proposal para sa BAMBOO PRODUCTION, AGRO FORESTRY kay DENR Secretary Gina Lopez na inaprubahan at tiniyak ng kalihim na maipatutupad ang mga ito para sa kapakanan ng apatnalibong katutubong Aeta.
 
Sa pamamagitan ng kautusan ni Secretary Lopez...kumilos agad si ASEC Galo Martinez Jr. at ang Olongapo CENRO Official na si Marife Castillo saka mabilis na inasikaso ang mga hinaing at mga dokumento ng proposal ng mga katutubo sa pangunguna ng kanilang lider na sina Chito Balintay at Raul dela Cruz ng Pinatubo Aeta Agro--Industrial Multipurpose Cooperative.
 
Makakatuwang ng mga katutubo ang DENR Cooperative at popondohan ang implementasyon ng proyektong pangkabuhayan o Agro Forestry at Bamboo Plantation sa mga Barangay na kinabibilangan ng Villar, Morasa, Burgos, Belbel, at Buhawen sa Zambales.
 
Sinabi ni Secretary Lopez na mabilisan ang kanilang gagawing pagkilos at walang oras na dapat masayang para maresolba agad ang problema at agad matulungan ang mga katutubong apektado ng minahan.
Malinis na tubig at pangkabuhayan ang pinakamatinding problema ngayon doon ng mga katutubo na nakontamina dahil sa operasyon ng minahan.

News

Photo Releases

Owing to unrelenting intelligence and forest protection efforts, CENRO Dolores through CENR Officer Roseller E. Cay, was able to seize six (6) undocumented chainsaws purportedly being used in illegal cutting of forest products. These are currently deposited at PENRO Eastern Samar for safekeeping pending final disposition.

Other Links

         office-of-the-president    official-gazette

                 emb    mgb    fmb    lms    Capture2   erds